SINANTOL OF INFANTA QUEZON
Paano nga baga gumawa ng Sinantol ng infantahin? Abay simple laang!! Ingredients:
4 cups santol, grated
1 thumb size ginger, finely chopped
1 pc onion, finely chopped
3 cloves garlic, finely chopped
3-4 pcs. Hot chili pepper;(optional)
3 tbsps bagoong
1 tbsp salt
1 tsp pepper
1 stalk lemon grass, pounded
4 cups coconut cream
½ kilo shrimp
4 tbsps oil
Procedure:
Step 1:
Una, ihanda ang paglulutuan nito dahil napakahirap pag hindi ka handa sa lahat ng bagay, katulad na lang nung iniwan ka ng ex mo.
Sapat na ang isang malaking kawali, parang yung mga ginagawa mo para sa kanya, sapat lang...
Step 2:
Pangalawa, lagyan ng mantika at painitin ito at ilagay na ang sibuyas, bawang at tanglad at haluin ito, Diba diyan ka naman magaling? magpaikot? na kunware MAHAL MO SYA!! pero ang totoo hindi naman pala talaga! *gigil mo c aq*
Step 3:
Pangatlo, ilagay mo na ang pinaka main ingredient ng niluluto mo, ang kinayod na santol, pero dapat bago mo isalang ang kayod na santol, hugasan mo ito ng 3 hanggang 4 na beses para mawala ang asim neto, alam mo na? hugasan mo narin yang nararamdaman mong yan para sa kanya, para mawala na rin yung sakit na nararamdaman mo!!
Step 4:
Pangapat, ilagay na ang gata at haluin ito at hintaying kumulo. Gaya ng ginawa nya sayo, niligawan ka lang niya para paikutin at kapag sinagot mo na siya dun na sya titigil at hihintayin nalang niyang kumulo yung dugo mo sakanya hanggang sa iwan ka na niya.
Step 5:
Panglima, ilagay ang hipon o alimango, pero pwede rin namang pareho, parang kayo, akala mo pareho kayong nagmamahalan, yun pala ikaw lang. At kung gusto mong spicy isama na rin ang sili (optional lamang ito) parang ikaw "option" ka lang nya diba?!
At last step, wala na! Tapos kana!!! parang kayo *charot
Samahan ng mainit na kanin at kumain!!! PS: Huwag kalimutang ishare, parang ikaw at yung jowa mo, akala mo kayo lang, yun pala may kashare ka! Kasi pang maramihan pala! *beastmode af!!! <3