top of page
Hi There

Welcome to our blog, If you love food, Surely you'll find this blog enjoyable.
And our blog will surely leave a smile on your faces while reading our "hugots" as you read the steps of the recipes of some of the delicacies from our beloved REGION OF CALABARZON!!

More >
  • Grey Facebook Icon
  • Grey Pinterest Icon
  • Grey YouTube Icon
  • Grey Instagram Icon

Recipes

2017

Bistek Asado


Abaay ito laang ang mga kailangan mong ihanda:

1 lb. beef shirloin, thinly sliced

1/4 cup soy sauce

1 pc. lemon or 3 calamansi

1/2 tsp. ground black pepper

3 clove garlic, crushed

1 large onion, sliced into rings

3 tbsps. cooking oil

salt to taste

Una, ibabad ang karne o laman ng baka o kalabaw, lemon, at paminta sa loob ng isang oras. Isang oras lang, huwag magkukulang kagaya ng ginawa sayo ng ex mo, o kaya naman ay sumobra kagaya ng ginawa mo sa ex mo.

Pangalawa, painitin ang kawali, ilagay ang mantika at haluin. Iprito ang onion rings hanggang lumambot. Hanguin at isantabi kagaya ng ginawa niya sayo.

Pangatlo, sa kawali ding iyon, iprito ang binabad na karne o laman ng baka o kalabaw (walang marinated sauce), hintayin maging kulay brown, sanay ka namang mag-antay, hindi ba? Pagkatapos nun, isantabi. Parang ikaw, matapos mong pang-antayin ng napakatagal, isasantabi ka lang din pala.

Pang-apat,sa kawali, igisa ang bawang. Oo bawang lang, isa lang. Matuto kang makuntento sa isa.

Panglima, ilagay ang marinated sauce at pakuluan.

Pang anim, ilagay ang prinitong laman at pakuluan ng 15-40 minuto o hanggang lumambot ang karne. Dagdagan ng tubig kung kinakailangan. Isabay nadin ang paglalagay ng prinitong sibuyas at lagyan ng asin para magkalasa. Huwag mo ito igaya sa relasyon niyong wala man lang kalasa-lasa. Mapakla!

Pang-walo,i-serve at i-share!


Get All the New Recipes to Your Inbox
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page