CHILI GARLIC BUTTER SHRIMP
Aba'y alam mo ga kung pano gumawa ng chili garlic butter shrimp dine sa amin? Aba are'y napakasimple laang Ingredients: 2 lbs. medium to large shrimp, cleaned 5 pieces red Thai chili pepper, minced ½ cup chopped scallions 8 cloves garlic, crushed and chopped 2 tablespoons cooking oil 3 tablespoons butter ½ teaspoon salt ¼ teaspoon ground black pepper Step 1: Una, Ilagay ang hipon sa isang plato, sa isang plato lang bes wag mo na sila paramihin tulad ng ginagawa mo sakanila. Kuskusin ang asin at ground black pepper sa lahat ng parte nito para damang dama niya at hayaan itong manatili ng 10 minuto. Wag mo na patagalin, parang relasyon niyo lang yan hindi magtatagal.
Step 2: Pangalawa, Tunawin ang mantikilya sa isang kawali. Idagdag ang cooking oil, hinayhinay lang bes. Sa sandaling mainit na di tulad ng relasyon niyong cold idagdag na ang bawang pagkatapos ay lutuin sa katamtamang init sa hanggang sa maging dark brown.
Step 3: Pangatlo, Ilagay ang chili sa kawali para magkathrill naman di tulad ng relasyon niyo masyadong plain.
Step 4: Pangapat ilagay ang asin, paminta, at idagdag ang mga piraso ng perehil. Patuloy na magluto ng 2 hanggang 4 na minuto. Oo saglit lang kasi baka pag tumagal magsawa na sayo yung jowa mo kakahintay.
Step 5: Panglima ilipat sa plato at magenjoy. Tama magenjoy tutal ineenjoy lang naman ng jowa mo yung pakikipagrelasyon sayo.
Step 6: Panganim ipamahagi sa iba at magsaya di tulad ng ginawa mo sakin na pinamigay, iniwan at nagsaya.