TINUBONG NG ILOCOS SUR
Paano nga ba gumawa ng tinubong ala ilocos sur? Npakadali at napasimple lang!!! Mga Sangkap: 2 tasa ng galapong 3/4 na tasa ng tubig 3/4 na tasa ng kinayod na buko 3/4 na tasa ng gata 1/4 na kutsarita ng asin Kailangan din ng: Kawayan Foil Paraan ng Paggawa 1. Paghalu-haluin lahat ng sangkap. Oo, lahat katulad nang emosyon ko na ginawa mong paghalu-haluin Tuwa, kilig, galit at lungkot.
2. Ibuhos ang pinaghalu-halong sangkap sa kawayan. Tulad ng pagmamahal mo sa kanya binuhos mo na lahat iniwan ka pa rin.
3. Takpan ang butas gamit ang foil. Katulad nung paano mo ko ginawang panakip butas laban sa kanya.
4. Ilagay ang kawayan sa ibabaw ng nagbabagang uling ng labinlima o hanggang dalawampung minuto. Buti pa ang uling nagbabaga di tulad ng relasyon niyo COLD!!!
5. At ang pinaka huli i serve o ipatikim. Katulad ng ex mo kung kani-kanino nagpapatikim!